Friday , October 18 2019
Home / Facebook / Uminom ng Multivitamins…

Uminom ng Multivitamins…

Uminom ng Multivitamins

Payo ni Doc Willie Ong

Kaibigan, nililinaw ko lang po na ang payo ko ngayon ay base sa aking pagsusuri at personal ginagawa. Ito ang aking napag-aralan.

Una sa lahat, kapag ikaw ay malusog naman at masustansya ang kinakain, sa tingin ko ay puwede ka naman hindi na uminom ng vitamins. Pero sa panahon natin ngayon, mas mabuti nang magsiguro at uminom na lang ng vitamin.

Bakit dapat uminom ng multivitamin?

1. Maraming nakakatakot na sakit ang naglalabasan sa ating paligid. May swine flu, epidemya, tuberculosis, trangkaso, perwisyong ubo, at marami pang iba. Para malabanan ang sakit, kailangan malakas ang resistensya ng katawan. Kumain ng tama, matulog ng 7-8 oras, magbawas sa stress at uminom din ng multivitamin.

2. Kulang sa bitamina ang pagkain ng Pinoy. Karamihan sa atin ay matipid kung kumain. Isang ulam lang at 2 platong kanin para mabusog. Eh, anong sustansya ba ang mayroon iyan? Ang kailangan ng katawan mo ay sari-saring pagkain tulad ng 1 platong kanin, isang gulay at konting isda o karne. Dagdagan mo pa ng isang saging o dalandan. Iyan ang kumpleto sa bitamina at pampalakas ng katawan.

3. Maraming stress sa ating buhay. Ang stress ay nakaka-edad sa katawan. Kaya magandang uminom ng vitamin, lalo na ang may vitamin B para malabanan ang stress. Tumutulong ang bitamina sa paghilom ng nasisirang selula sa ating katawan.

Anong Vitamin Ang Iinumin?

Maraming klaseng multivitamin ang mabibili. Mayroong Centrum, Enervon-C, Clusivol at may generic na Multivitamin sa generics na botika. Ang halaga ng branded na vitamin ay mga P7-P10 bawat tableta, at ang generic naman ay mga 2 piso lang bawat tableta.

Okay naman pagpilian ang lahat ng nabanggit ko. Pero ang personal kong iniinom ay Centrum. Pinag-aralan ko silang lahat at nakita kong kumpleto talaga ang Centrum. Bukod sa vitamin A, B, C, D, E, ay may dagdag na Zinc pa ang Centrum na makatutulong sa semilya ng kalalakihan!

Ang pag-inom ko ng vitamin ay hindi naman araw-araw. Kapag mahina ang pakiramdam, iinom ako ng isa. Kadalasan ay iinom din ako ng Omega-3 Fish Oil supplement, dahil mabisa at subok ito para sa ating puso, utak at katawan. Good luck po.

About Dr. FB

Check Also

Steve Jobs’ last words….

Steve Jobs’ last words. He died a billionaire at 56yrs of Pancreatic Cancer and here …

Leave a Reply