Monday , March 25 2019
Home / Facebook / TAMANG DIET PARA MAKAIWAS SA DIABETES By Dr Willie Ong Alam n’yo ba na ang dia…

TAMANG DIET PARA MAKAIWAS SA DIABETES By Dr Willie Ong Alam n’yo ba na ang dia…

TAMANG DIET PARA MAKAIWAS SA DIABETES
By Dr Willie Ong

Alam n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain. Heto ang mga tips na dapat tandaan.

1. Walang “mild” sa diabetes.
Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50% ng mga selula sa pancreas (beta cells na gumagawa ng insulin) ay posibleng nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.

2. Umiwas sa matatamis at matataba.
Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at ma-kolesterol na pagkain.

3. Tumanggi sa Ice Tea, Soft Drinks at Capuccino. Mag-tubig na lang.
Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong Ice Tea bawat araw ay nakapagdaragdag sa inyong timbang ng 1 libra bawat linggo? Ang 1 basong soft drinks naman ay may 7 kutsaritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang talaga ang tunay na Zero calories.

4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas.
Akala ng marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Matamis at nakatataba ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abukado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas, 6 na piraso lang ang limit mo.
Ang mga prutas na puwedeng kainin ay ang mansanas, peras at saging. Ngunit, huwag ubusin ang isang piling!

5. Puwede ang 1 rice at 1 ulam.
May mga pasyenteng hindi na kumakain ng kanin. Hindi po ito maganda. Sa katagalan ay hihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailan din ng katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may 1 cup rice ay OK na, di ba? Good luck po sa pag-kontrol ng inyong diabetes.

See Translation


About guhec

Check Also

Whether you love coffee or tea, here are some useful knowledge about the benefit…

Whether you love coffee or tea, here are some useful knowledge about the benefits of …

Leave a Reply