Sunday , May 19 2019
Home / Facebook / Sa Gout: Puwede ang Monggo, Okra at Sitaw ni Doc Willie Ong Sa artikulong ito…

Sa Gout: Puwede ang Monggo, Okra at Sitaw ni Doc Willie Ong Sa artikulong ito…

Sa Gout: Puwede ang Monggo, Okra at Sitaw

ni Doc Willie Ong

Sa artikulong ito, na-interview ko si Doc Ging Zamora-Racaza, isang magaling na Rheumatologist sa UP-PGH.
Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, bukung-bukong (ankle) at tuhod.
Para malaman kung gouty arthritis ang sakit, kailangan suriin ang Uric Acid sa isang blood test. Kapag mataas ang iyong uric acid sa dugo, puwede itong mag-buo at pumunta sa iyong kasu-kasuan (joints). Sobrang sakit ang pakiramdam sa gout.

Heto ang Payo:
1. Kapag mainit ang panahon o dehydrated ang katawan, mas nagbubuo ang uric acid sa joints na sumasakit sa gout.
2. May tulong ang pag-inom ng 8-10 basong tubig sa gout. Ito ay dahil mas naaalis ang Uric Acid crystals sa katawan.
3. Ang alak, karne at laman loob ang nagpapalala ng gout. Masama din sa gout ang matatamis at maaalat na pagkain.
4. Mali ang paniniwala na masama sa gout ang mga gulay tulad ng monggo, okra, sitaw at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa Vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas madaling maalis ang vegetable protein sa katawan kumpara sa karne.
5. Ang bawal sa gout ay ang Animal protein tulad ng karne at laman loob.

Ano ang Gamutan?
1. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdi-dyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo. Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o Febuxostat para sa gout.
2. Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay kami ng Colchicine tablets, 4 na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic Acid din para sa kirot.
Magpa-check-up sa inyong doktor.

About guhec

Check Also

Steve Jobs’ last words….

Steve Jobs’ last words. He died a billionaire at 56yrs of Pancreatic Cancer and here …

Leave a Reply