Tuesday , May 21 2019
Home / Facebook / Halamang gamot sa ubo…

Halamang gamot sa ubo…

Halamang gamot sa ubo
Bukod sa mabisa at ligtas, ang mga halamang gamot sa ubo ay praktikal na panglunas. Sa katunayan, madalas, libre lamang ito dahil matatagpuan lamang ang mga halamang gamot sa iyong bakuran o refrigerator. Narito ang ilan:

Kalamansi
Ito ay mabisang gamot sa ubo at sipon. Ito ay mayroong antibacterial properties at mayaman sa Vitamin C, na kayang labanan maging ang iba pang sakit.

Luya
Ito ay isang mabisang halamang gamot sa ubo at sipon. Ang luya ay nagsisilbing decongestant na nagtatanggal ng bara sa ilong kaya nagiging maginhawa ang daanan ng hininga. Ang luya ay may taglay ding antiviral expectorant na tumutulong upang mawala ng bara sa lalamunan at dibdib, dahil dito ay magiging maluwag ang paghinga ng taong inuubo.

Luyang dilaw o turmeric
Ito ay may antiseptic properties na pumapatay sa bakterya na sanhi ng maraming plema. Nagpapalakas ding immune system ang turmeric o luyang dilaw, kaya naman ito ay mabisang halamang gamot sa ubo

Para gamitin ito: Ihalo ang isang kutsaritang luyang dilaw sa isang baso ng mainit na gatas, inumin ito tuwing umaga at gabi bago matulog.

Maaari ring gadgarin ang katamtamang laki ng luyang dilaw pagkatapos ay kainin ito at saka uminom ng tubig. Gawin ito ng tatlong beses sa isang araw.

Sili
Marami ang hindi nakakaalam na ang sili ay isang halamang gamot sa ubo. Ito ay may kakayahang palabasin ang mga namuong sipon sa lalamunan at ilong. Ang anghang na nasa sili ay makakatulong upang maibsan ang pananakit ng dibdib, pamamaga ng lalamunan na dulot ng ubo’t sipon.

Para gamitin ito: ¼ na kutsarita ng sili at ginayat na luya,1 kutsara ng honey at apple cider vinegar, 2 kutasara ng tubig. Inumin ito ng dalawa o tatlong beses sa isang araw. Puwede ring ihalo ang sili sa mga lutuin.

Sibuyas
Ang sibuyas ay hindi lamang sangkap sa pagluluto. Ito ay isa ring mabisang halamang gamot sa ubo at sipon. Ang sibuyas ay isang mabisang antibiotic, anti-inflammatory at expectorant na tumutulong upang maalis ang mga namumuong plema na dahilan ng ubo. Nagpapaginhawa rin ito ng lalamunan at nagpapalakas ng immune system kaya nagpapabilis ito sa paggaling ng sakit.

Paano gamitin: hugasang mabuti ang sibuyas, tadtarin nang pino o maliliit. Ihalo ang dalawang kutsara ng asukal, at hayaan nang kalahating oras. Pagkatapos ay uminom ng isang kutsara nito sa kada dalawa o tatlong oras para gumaling kaagad. Pwedeng itago sa refrigerator ang natira hanggang sa dalawang araw.

Ang mga halamang gamot sa ubo na nabanggit ay mabisa at ligtas gamitin. Bukod pa rito ito ay natural at walang halong kemikal. Ngunit kapag ang sintomas ay hindi nawala sa kabila ng paggamit ng halamang gamot sa ubo, dapat lamang na magpatingin sa doktor para maiwasan ang anumang komlpikasyon nito.

Kailan kailangang magpatingin sa doktor?
Kapag ang ubo ay may mga sintomas ng mas malubha ay kumonsulta kaagad sa iyong doktor.

Narito ang ilang sintomas:

Panginginig
Dehydration
Mataas na lagnat
Masama ang pakiramdam sa buong katawan
Walang tigil na pag-ubo, ang plema ay kulay yellow green at malapot
Panghihina
Ang mga ganitong sintomas ay maaaring mayroong komlpikasyon at iba pang kondisyon. Dapat lamang na kumonsulta na sa doktor kapag ganito na ang sitwasayon. Siya ang tanging makapagbibigay ng tamang gamot dahil ito ay depende sa mga sintomas at mga pagsusuri.

Ngayon, alam mo na ang halamang gamot sa ubo at mga maaaring komplekasyon na kailangan nang matingnan ng doktor. Tuklasin naman ang mga paraan ng pag-iwas dito.

About Dr. FB

Check Also

Steve Jobs’ last words….

Steve Jobs’ last words. He died a billionaire at 56yrs of Pancreatic Cancer and here …

Leave a Reply