Sunday , April 21 2019
Home / Keto Diet and Intermitent Fasting / List of Low Carb Vegetable, Funghi and Nuts

List of Low Carb Vegetable, Funghi and Nuts

#DrFBLowCarbDiet

Low Carb and Intermittent Fasting for NEWBIES(how to start) basa po muna 🙂

Kung mag uumpisa ka pa lang, Wag ka muna mag EGG DIET / EGG CHALLENGE please.

1. WAG MUNA MAG INTERMITTENT FASTING.

Magsimula muna sa Low-carb diet. Bakit? Dahil ang intermittent fasting ay kusang mangyayari sa katawan pagkatapos gawin ang low carb diet ng walang sablay.

2. KUMAIN NG KAHIT ANONG LOWCARB FOODS KAPAG NAGUGUTOM. Kumain ng kahit anong karne, seafoods, at itlog.

Pwede din kumain ng kahit anong maberde at madahon na gulay ngunit siguraduhin na mas madami ang kakaining karne, seafood at itlog.

Pwede ding uminom ng plain black coffee at plain green tea. Bakit?

Dahil ang high carb na pagkain ay nagdudulot ng pakiramdam na madaling magutom / laging nagugutom at hindi ito maganda sa kalusugan samantalang

ang low carb na pagkain ay nakakabusog, hindi ka madaling magugutom at mabuti sa kalusugan.

3. KUMAIN NG KAHIT ANONG LOWCARB FOOD KAPAG NAGUGUTOM HANGGANG IKAW AY MABUSOG.

Kumain ka hanggang magsawa ka. Basta siguraduhin lamang na ang total carb na makakain mo ay hanggang 20 grams lang sa isang araw.

Ang sobra sa nasabing limit ay hindi maganda sa kalusugan at mawawala ang kabuluhan ng layunin mo na maging malusog o magbawas ng timbang.

4. DIBDIBIN / SERYOSOHIN MO ANG PAGKAIN NG LOWCARB FOODS SA LOOB NG 3 BUWAN PARA SA MAS MABILIS NA RESULTA.

Kung kaya mong gawin ang Zero Carb diet, (karne at tubig lamang), mas mabuti ito at mas mabilis ang resulta.

FAQs:

Ano sample ng Lowcarb foods?

karne ng baka, baboy, manok, isda, seafoods, green leafy vegetables, itlog, cauliflower, coconut oil, olive oil,

gata ng niyog, anchor butter, black coffee (instant or brewed), unsweetened cocoa powder, all purpose cream,

parmesan cheese, coconut flour, almond flour, unsweetend almond milk, strawberries at avocado.

Ang ibang prutas na naturally sweet ay ndi rin pwede. Kung may duda, magtanong kay bespren google.

Pag hindi makita ang sagot, magtanong muna sa mga beterano bago kainin.

Pwede gumamit ng naturals stevia or equal gold pero wag mag wantusawa.

Limit to 2 sachets per day Pwede kahit anong luto basta ang ingredients ay LC.

Walang specific meal plans, diskarte na po natin un basta po LC.

Ano ang mga pagkain na dapat iwasan:❌❌

ILAN sa mga ito ay ang kanin, tinapay, pasta, instant noodles, ice cream, cakes, desserts, corn, lahat ng klase ng saging, patatas, gabi,

baguio beans, oatmeal, any food na may kasamang all purpose flour or wheat flour, toyo, ketchup, commercial mayo,

coffee creamer, vegetable oil, palm oil, canola oil, soybean oil, tofu or tokwa, taho, miso (ung ginagamit sa sinigang)

or any soya bean products, yakult, fruit drinks, tomato sauce, margarine, honey, regular soft drinks,

asukal at any food or drinks na may asukal. Even ung Herbalife Nutritional Shake Mix hindi rin pwede.

Yung mga spices like garlic saka curry powder, garlic at onion powder, may hidden carbs din po yan.

Ang isang kutsara ng onion powder ay may 5.2g of carbs even ung ginger grounds ay may 3.2g na carb sa isang kutsara lang.

Again kung may duda sa kakainin, consult google. Pag walang makuhang sagot, ask the veterans.

✔️LAGI TAYONG MAGCHECK NG LABEL NG BINIBILI NATIN NA PAGKAIN. Basahin ang ingredients at ang nutritional value chart.

Pasok sa banga ang 0 sugar, 0 or low carb, high protein at high fat.

Pero kahit nabasa nyo na walang sugar at low carb sa nutritional value chart, check nyo ung ingredients. Baka may mga oils,

additives at extenders na hindi naman LC so hindi pwede un mga mam ser.

Uminom po ng madaming tubig. Hindi po bawal ang asin.




About Dr. FB

Check Also

Kapuso Mo, Jessica Soho: Keto diet, sagot sa balik-alindog?

Epektibo nga bang pampayat ang Keto Diet? Para rin ba ito sa lahat o para …

Leave a Reply